Huwebes, Marso 8, 2012

Mahalaga ang Mamamayan at ang kautusan

Ano kaya ang mangyayari kung ang lahat ay tagautos? Sino ang tagasunod? Ano kaya kung walang tagakuha ng basura? Maiisip mo ba kung gaano magiging kabaho ang paligid sa loob ng isang buwan kung walang tagakuha ng basura? Narito pa ang isang halimbawa kung gaano kahalaga ang bawat isa. Gawin nating halimbawa ang iyong kamay. Subukan mong ipahawak ang isang daliri. Maaari ba? Ngayon ay gawin mong dalawa? Ano ang nangyari sa paghawak mo? Subukan mong ipanghawak na lahat. Higit na malakas ang paghawak? May lakas sa pagkakaisa. Ang kamay ay isa lamang sa maraming bahagi ng katawan. Kung ito ay mawawala ay lalong malaki ang mawawala sa atin. Lahat kung may pagkakaisa may magandang resulta. Sabi nga nila sa Ingles "TWO HEAD IS BETTER THAN ONE" kung wala tayong pagkakaisa walang mangyayari sa atin. Kung hindi tayo kikilos ng sama-sama walang mangyayari sa kinabukasan nating mga mamamayan. Ikaw kaya mo bang gawin ng mag-isa ang problema ng bansa?
Ganyan din ang bawat mamamayan. Kahit anung baitang ka ay marami kang magagawa. Marami kang tungkulin at mga karapatan sa bahay, sa paaralan, sa iyong samahan, sa iyong pook, at maging sa simbahan. Alam mo ba ang mga iyon?
 Sa araw-araw ay napakaraming mga bagay ang iyong natatanggap. Sa paggising mo ay unti-unting lumalaganap ang liwanag, ang init ng sikat ng araw na kailangan ng ating katawan at mg hayop at mga halaman. Naroon ang iyong mga magulang na nagsisikap na maghanap buhay at matulungan ka sa iyong paglaki. Mayroon ding mga pagkain na kailangan mo para sa iyong kalusugan. Alam mo ba ang iyong mga dapat ipagpasalamat? Ano ang nararapat mong ibigin at gawin bilang isang mabuting mamamayang Pilipino?
Mabuting pakikipamayan, maraming mga tuntuning dapat sundin para sa mabuting pakikipagkapwa. Ang pagbibintang, pagsasamantala sa kapwa, panghihiya o kawalan ng pakikiisa ay mga bagay na hindi tinatanggap ng lipunan. Nagsisikap ang mga tao na matutupad ang kasabihang, "HUWAG MONG GAWIN SA KAPWA MO ANG AYAW MONG GAWIN DIN SA IYO"  "ANG DI MARUNONG MAG-ISIP NG MASAMA, AY LAGINA MAY NAKALAANG GANTIMPALA".
Maiiwasan din ang pakikipaggalit sa kapitbahay kung ang basura ay hindi ilalagay sa kabilang bahay. Ang pagkainggit sa kapitbahay at ang pag-iisip ng masama tungkol sa kanila ay hinda mabuting ugali.  Bilang miyembro ng pamayanan, dapat magsikap ang mga mamamayan na maging malinis ang kanilang pook. Lalong makakabuti kung magtutulungan ang mga magkakanayon sa paglilinis at pagpapaganda ng kanilang lugar, ang iba ay sumama rin sa gawaing pambayan, tulad ng pagtatambak sa daan, paghuhukay ng kanal na daanan ng tubig at paglalagay ng mga maliliit na irigasyon sa kanilang bukid. Makikita rin ang kanilang pakikilahok sa mga pulong ng barangay at pambayan upang pag-usapan ang tungkol sa ikabubuti na kanilang pook.
Ang pinanggagalingan ng mga kautusan, ang unang pinagkukunan ng mga kautasan ay ang likas na kautusang pang kaasalan ng tao. Kahit noong wala pang mga nakasulat na batas, naniniwala ang tao na kailangang magkaroon siya ng pagkakataong mabuhay na tulad ng pamumuhay ng iba. Nais din niyang magkaroon siya ng pagkain tulad ng iba. Magtratrabaho siya kung kinakailangan ngunit dapat ibigay ang para sa kanya. Nais din niyang magkaroon ng pagkakataong makapagpahinga at makatiyak na may makakain siya sa susunod na mga araw. Naniniwala rin ang maraming tao, kahit noong una, na ang mga bagay na nasa daigdig ay para lamang sa iilan, o mayayaman. Maniwala din sila na ang paghahangad na magkaroon na ari-arian ay hindi dapat daanin sa marahas na paraan at ang mga labis na pag-aari ay dapat bigyan ang wala. Sa kabuuan ay nakikita ng tao na anumang makakasakit sa kapwa ay hindi dapat gawin. Sa halip ang dapat ay gumawa para sa ikasisiya ng kapwa. Ang konsensya o sariling paniniwala sa mabuti at masama ang unang batayan ng mga utos at tuntunin...

2 komento: